Muling inakbayan ni James Harden si Wilt Chamberlain sa isa pang record sa NBA.
Nagsalansan ng 42 points si Harden Miyerkoles ng gabi kontra Minnesota para ilista ang pang-31 sunod na larong mayroon siyang 30 points o higit pa, kapantay ng record ni Chamberlain na second-longest streak sa kasaysayan ng liga.
Tumikada si Harden ng 15 of 34 mula sa field, 8 for 22 sa 3-point range.
Narating niya ang 30-point mark sa pamamagitan ng pang-15 niyang four-point play ng season. Kumagat si Josh Okogie sa isang fake, nang lumipad ang Timberwolves rookie ay nag-step back si Harden at ibinaon ang 3-pointer na nagbigay sa Houston ng 74-67 lead sa kalagitnaan ng third.
Kinumpleto niya rin ang 22nd 40-point game niya ngayong season.
Pero nawalan ng saysay, dahil hindi niya nakayang isalba ang Rockets sa 121-111 loss.
“To me, we have no tendencies right now,” wika ni Harden. “The tendency is just to come out slow in the third quarters.”