Sumakabilang buhay na ang hari ng bansang Thailand matapos ang ilang araw na pana­natili sa ospital dahil sa haemodialysis treatment.

Sa ulat ng Chinese state media outlet Xinhua at South China Morning Post, sinabing tuluyan nang binawian ng buhay si King Bhumibol Adulyadej, sa edad na 88, habang nasa Siriraj Hospital.

Inihayag ng Royal Palace na pumanaw nang mapayapa ang hari ganap na alas-3:53 ng hapon (local time). “Even though the board of doctors has closely monitored and treated him to the best of its abilities, the king’s condition never improved but deteriorated until Thursday,” ayon sa pahayag ng palasyo, ayon naman sa online news ng TIME.

Ilalagak ang labi ni Bhumibol sa Bangkok’s spired Grand Palace sa ginintuang urn.

Si King Bhumibol na ika-siyam na naging hari ng 234-taong Chakri dynasty kung saan nakorona­han ito matapos masawi ang nakatatandang kapatid na si King Ananda Mahidol dahil sa pamamaril.

Inihayag naman ni Junta leader Prayuth Chan-o­­cha na ang Crown Prince na si Maha Vajiralongkorn ang magiging bagong monarch alinsunod sa constitution, ayon sa ulat ng Associated Press.

“He was a king that was loved and adored by all. The reign of the king has ended and his kindness cannot be found anywhere else,” wika ni Prayuth patungkol kay Bhumidol.