Harris, Aces sasagarin ang Hotshots

Nag-recharge ng limang araw ang Magnolia at Alaska pagkatapos ng limang laro sa PBA Governors’ Cup Finals, balik ang Game 6 ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Nasa hukay ang isang paa ng Aces, naiiwan sa best-of-seven series matapos sikwatin ng Hotshots ang manipis na 79-78 win sa Game 5 noong Biyernes.

Isang talo pa ng Alaska ay makakawala ang hinahabol na unang titulo sa loob ng limang taon. Kailangan nilang agawin ang Game 6 para makapuwersa ng decider.

“We treat every game like a do-or-die,” giit ni Aces import Mike Harris, tumapos ng game-highs 28 points at 20 rebounds noong huli.
Naiwan ng hanggang 51-37 sa first half ang Aces, nakabalik sa se­cond bago napakawalan ang panalo nang ibaon ni Paul Lee ang winner, 1.6 seconds ang natira sa laro.

“They came out and hit us in the first half, and then we hit them in the second half,” suma ni Harris. “’You know, we can’t come out that relaxed. We gotta be more aggressive on Paul Lee because he came out and got aggressive early. We can’t do that.”

Tiwala pa rin si Harris na sa pagtutulungan nila ng teammates ay makukuha ang panalo para masagad ang series.

“I ride with my guys until the end. It’s still a one-game series for us, just like it is for them,” anang import. “Game 6 is a do-or-die for both teams and I’m pretty sure they don’t wanna go to Game 7. But for us, we wanna go to Game 7.”