Laro sa Miyerkoles
Araneta Coliseum
7:00 pm Alaska Aces vs Magnolia Hotshots

Nagpakita ng ma­tinding puwersa ang Alaska Aces matapos ipalasap sa Magnolia Hotshots ang pinakamasaklap na kabiguan sa kasaysayan ng prangkisa sa kampeonato sa paghugot ng 100-71 win sa Game Three ng Best-of-7 Finals ng 2018 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sinandigan ng Aces ang import nitong si Mike Harris sa matinding laro sa ikatlong yugto para makawala sa laban tungo sa paghugot sa importanteng 29 puntos nabentaheng panalo na naglapit sa koponan upang maghabol sa isang laro sa serye, 2-1.

Inihulog ni Harris­ ang 22 puntos sa kanyang 36 puntos sa mainit na 3rd tampok ang 3 sa kanyang 4 na kabuuang tres na may kasamang isang 4-point play para agad na ilayo ang Aces sa pagsikwat ng unang panalo sa serye.

Ibinuhos ng Aces ang kabuuang 33 puntos sa ikatlong kanto at nilimitahan lang sa 14 puntos ang Hotshots upang itala nito ang unang pinakamataas na ungos sa 34, 83-49.
Nagawa pang ilista ng Aces ang pinakama­laking ungos sa 36 buhat kay Vic Manuel sa 4th 92-56, may 7:55 minuto pa sa laro.

‘My teammates did a good job for me in giving the ball. They worked hard distributing the ball and free me up. They make up for this team,” sabi ni Harris.

Bahagyang nagkainitan sa laro matapos na mapatid ni Harris ang katapat na import na si Romeo Travis sa natitirang 1:41 ng ikatlong yugto. Hindi na nakala­ro muli sa Travis matapos ang insidente.

Nagsagawa ng serye ng rally ang Alaska sa ikalawang yugto kung saan una nitong ibinagsak ang 11-4 run sa simula para lumayo sa 32-26 bago ibinomba muli ang 18-10 atake sa pagtatapos ng quarter upang itala ang pinakamalaki nitong 17 puntos na kalamangan sa 50-33, bago na lamang natapos ang unang hati sa 50-36.

Nag-ambag si dating national team member Carl Bryan Cruz ng dalawang tres para sa kanyang walong puntos sa laro sa 11-4 atake habang naghulog din si Simon Enciso ng tatlong tres.