Iginapos ni Gary ­Harris si Bradley Beal at nilaktawan ng Denver Nuggets ang Washington Wizards 117-104 Martes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season games.

Ipinatikim ni ­Harris ang tibay ng kanyang ­depensa kay Beal, ­nagkasya lang ang ­Washington guard sa season-low 14 points.

Sa kabila, ­nagbaba ng season-high 20 ­rebounds si Nikola Jokic na ­sinahugan ng 8 points, nagdagdag si Jerami Grant ng season-best 20 points para sa Nuggets. Kinapos ng isang board si Jokic para pantayan ang ­career-high.

Nagposte si Will Barton ng 17 points, 8 ­rebounds at 8 assists, nag-ambag si Jamal Murray ng 16 points at may 15 pa si Mason Plumlee sa sixth straight win ng Denver.

Si Beal ang leading scorer ng Wizards sa ave­rage na 29.6 points, pero sa unang pagkakataon ngayong season ay ‘di nakapuntos ng 20 at nagkasya lang sa 6 of 15 sooting, 2 for 10 sa likod ng arc.

“Anytime you can manage the best player in the other team, you start with that,” ani Plumlee. “Brad Beal’s a heck of a player and he didn’t get 20, 30 points.”

Pinamunuan ng 21 points ni Jordan McRae ang Washington, may tig-14 sina Moritz Wagner at Davis Bertans. (VE)