Nabasa namin ang isang post sa Facebook… “So Ligwak na pala ang Hashtags at Girltrends sa It’s Showtime dahil nagtitipid na ang programa? Di naman na sila gaanong kailangan? So pinagpahinga muna sila sandali tapos ibabalik din sa tamang panahon hahaha.”
Nagtanong agad kami kung true ang tsika. Napansin daw niya na two weeks na umanong hindi napapanood ang dalawang grupo. Nagkaroon daw ng pagbabago pagkatapos ng Miss Q and A grand finals. Pero ibabalik din sila.
Nag-chat kami kay Hashtag Nikko Natividad. Hindi raw totoo na tsugi sila.
Ayon naman sa manager ni Hashtag Kid Yambao na si Ogie Diaz, nilagay sila sa It’s Showtime online.