NASA Italy na ang grupo ng indie film na Pamilya Ordinaryo para dumalo sa 73rd Venice International Film Festival (August 31-September 10).

Kasali ang nasabing pelikula sa 11 films na magkakatunggali sa 13th edition ng Venice Days section ng nasabing pestibal.

Nauna na sa Venice­ ang bidang lalaki ng pelikula na si Ronwaldo­ Martin, direktor na si Eduardo Roy, Jr. at producer na si Ferdinand Lapuz.

Susunod sa kanila ang female lead ng movie at tinanghal na Best Actress sa 2016 Cinemalaya filmfest na si Hasmine Killip na manggagaling ng London kung saan ito nakatira.
Ang sabi sa amin ni Hasmine ay September 8 ang dating niya ng Venice at sa araw na ‘yon din ang rampa nila sa red carpet.

Ready na ang kabogerang white gown na isusuot ni Hasmine na gawa ni John Herrera.
Nude ang effect ng gown na mas litaw ang likod kesa ang harapan, tapos ay super-haba ang slit sa tagiliran kaya ila­labas niya ang kanyang legs.

In fairness ay tago ang mga UTONG ni Hasmine, na medyo ikinalerky niya nang may mag-comment na ­MAITIM pala ang utong niya after mapanood ang Pamilya Ordinaryo.

May breast exposure kasi sa pelikula ang baguhang aktres nang pilitin ang karakter niyang si Jane ng isang manyak na pulis na ipakita ang kanyang mga suso.

“Mag-assume ka pa ba ng malinis na utong, eh hindi nga naliligo (si Jane)? Ano iniisip n’yo, pink na kulay? Kaloka!!” ang natatawang reaksyon ni Hasmine sa nagsabing maitim ang nipples niya.

Sa eksenang ‘yon ay namimintog at nagla-lactate pa ang mga suso ni Jane dahil ilang linggo pa lang nitong ipinapa­nganak si Baby Arjan na ninakaw ng isang baby snatcher.
Prosthetics ‘yon at hindi niya tunay na nipples.

“Baka ‘pag pinakita ko tunay na utong ko, magulat kayo! Colorful! Ha! Ha! Ha!” tawa ng 21-anyos­ na showbiz newbie na kasal sa isang Briton.

“Ano ba kasi kulay ng utong mo, bakla?” tanong ng isang kaibigan ni Hasmine, na sinagot niya ng, “Color pink ang totoo, ang peke itim! Ha! Ha! Ha!”

Hirit niya pa sa amin, “Wala naman akong anak, bakit magiging itim ang utong ko?”
PAK na PAK ang Usapang UTONG!

Approved without cuts nang ipalabas sa mga sinehan ang nanalong Best Film sa Cinemalaya 2016.

Showing pa rin ang Pamilya Ordinaryo, na in fairness ay may mga nanonood kaya hindi ito natsugi sa mga sinehan.

Sana ay magwagi rin ang pelikula sa Venice filmfest.

Walang awards for performances ang Venice Days, ang Best Film lang ang binibigyan ng tropeo na may kasamang cash prize na 20,000 Euros.