Hands down choice namin for BEST ACTRESS ang baguhang si Hasmine Killip na pasabog ang performance bilang teenage mother na ninakawan ng sanggol na anak sa Pamilya Ordinaryo.
‘Pag nanalo si Hasmine, hindi niya matatanggap ang balanghai trophy niya dahil nasa London siya.
Kasal ang indie actress sa isang Briton at doon sila nakatira sa UK.
Biro ni Hasmine nang maka-chat namin siya sa FB messenger, sa kakahanap niya kay Baby Arjan ay napunta siya ng London.
Nabanggit niya sa amin na nagti-training siya roon dahil nag-apply siya bilang home care assistant sa London.
Runner-up namin sa pagka-Best Actress si Barbie Forteza na nakipagsabayan at hindi nagpakabog kay Nora Aunor sa Tuos.
Hindi kami magugulat kung makakasilat pa rin si Judy Ann Santos para sa Kusina at si Ate Guy para sa Tuos.
Pareho nang nagwagi sa Cinemalaya ang dalawa, si Juday sa Mga Mumunting Lihim at si Ate Guy sa Hustisya.
***
AWARDS night mamaya ng Cinemalaya filmfest 2016 sa CCP Main Theater.
Hindi namin masasabing it was good year for Cinemalaya, pero sa siyam na competition films na napanood namin ay merong ilan na talagang nagustuhan namin.
Bet namin for BEST PICTURE ang Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy, Jr., na ang lakas ng impact sa amin at sobrang napabilib kami.
Lalo ka pang bibilib sa pelikula dahil wala itong kilalang artista sa cast, pero hindi ka maghahanap ng big stars sa husay ng mga nagsiganap dito.
Runner-up namin for Best Pic ang art film na Tuos ni Derick Cabrido at ang black comedy na Mercury is Mine ni Jason Paul Laxamana.
***
BEST ACTOR namin ang leading man ni Hasmine sa Pamilya Ordinaryo na si Ronwaldo Martin, na ang lupit ng performance bilang snatcher at rugby boy na hindi malaman ang gagawin nang manakawan ng anak.
Wish naming mapanood sa marami pang matitinong indie films sina Hasmine at Ronwaldo na mga bagong Indie Darlings para sa amin.
***
Bet naming bigyan ng Special Award for BEST KABOGERA PERFORMANCE IN A CAMEO ROLE si Elizabeth Oropesa para sa maiksi pero markado niyang eksena sa I America bilang pokpok at jologs na ina ng bidang si Bela Padilla.
Runner-up ni La Oro si Maria Isabel Lopez na pokpok na nanay din ang role sa Pamilya Ordinaryo!
maganda tlaga pamilya ordinario. i watched this sa trinoma 4:30 screening. bilib ako sa mga batang bago. natural na natural akting. walang pretensyon di tulad ni ate guy sa tuos na kelangan eye acting lagi puro pretensyon na nhndi naman nangyayari sa tunay na buhay ang eye acting. kaloka.