Ipinaalala sa mga sasali na ang submission ng entries ay bukas, Miyerkoles, June 5 na para sa “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Sa Huwebes, June 6 naman ang umpisa ng mga labanan kung saan may P100,000 day prize agad ang mga iiskor ng tatlong panalo sa 3-cock elims.

Garantisadong P5 milyon ang papremyo sa may mababang P11,000 entry fee, P5,500 minimum bet at tsansang makilala sa bigtime sabong.

May bonus din na P100,000 day prize (hati-hati) para sa three pointers sa 3-cock elims sa June 13, 20 at 27; at sa July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals ay Aug. 1 para sa 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers, at Aug. 8 sa mga may 3 pts.

Para sa champion handler ang P100,000 at sa gaffer ang P70,000.

May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird. (Enjel Manato)