HATE ME? I DON’T CARE — BOLICK

ncaa-sanbeda-mapua

Walang pakialam si San Beda cager Robert Bolick kung marami ang nanggigigil sa kanya.

Mas lalo siyang hindi natitinag kahit mawala pa siya sa MVP race ng 93rd NCAA men’s basketball.

Ang mahalaga, manalo at magkampeon muli ang Red Lions. Iyon lang ang gustong mangyari ni Bolick.

Ejected si Bolick, teammate niyang si Clint Doliguez, at si Carlo Young ng St. Benilde sa 72-58 victory ng Beda kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Malayo na ang Lions, 71-57, mahigit 2 minutes na lang sa laro, dinamba, pinigil at ibinagsak ni Young ang rumaragasa sa fastbreak na si Bolick.

Tinawagan ng disqualifying foul si Young, matapos i-review ng game officials ang video ay binagsakan din ng disqualifying foul si Bolick. Napalabas si Doliguez dahil sa pagpasok sa court.

“I didn’t do anything, you saw the video,” pakli ni Bolick.

Automatic na may one-game suspension ang tatlo, disqualified na rin sa individual awards.

Running sixth si Bolick sa MVP race, pandagdag sana sa kanyang stats ang isinumiteng 14 points, seven rebounds at 11 assists kahapon.

“I don’t really care if they hate me, it’s okay for me,” dagdag ni Bolick. “I told my team I’m not playing to win the MVP, I could really care less, I’m just playing to win.”

Tanggap daw niya kahit ano pa ang sabihin ng iba, pero kinuwestiyon ng kanyang coach na si Boyet Fernandez ang ejection.

“Why penalize the other guy who didn’t even punch?” balik-tanong ni Fernandez. “If it’s a closed fist, it’s a closed fist, but they have to show me the tape.”

Sa eighth straight win ay angat sa 9-1 ang Lions, laglag sa 2-8 ang Blazers.