Hati sa desisyon

Gusto raw ni Chief Justice Lucas Bersamin na maalala siya bilang ‘healing chief justice’ sa kanyang pagreretiro ngayong Oktubre 18. Pero noong Martes, nagdesisyon ang Sup­reme Court (SC) na umuupong Presidential Electoral Tribunal na ipagpatuloy ang poll protest ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Muling nahati ang sambayanang Pilipino. May kumakampi kay Marcos, ang iba naman ay kay Robredo. Sinabi ni Marcos na natutuwa siya sa desisyon ng SC dahil buhay pa ang kanyang protesta at pinagbigyan ang kanyang kahilingan na ipabasura ang resulta ng halalan sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan.

Umangal naman si Robredo sa desisyon ng SC dahil kung walang nakuhang ‘substantial recovery’ si Marcos sa 3 pilot province na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental ay dapat dinismis na ang protesta alinsunod sa Rule 65 ng PET.

Anuman ang na­ging desisyon ng SC, tiyak na may aangal na kabilang kampo kaya’t mukhang malabo yatang makamit ang minimithi ni Bersamin na maging healing CJ. Inamin niya mismo nitong Miyerkoles na tinangka niyang ipagpaliban ang botohan sa electoral protest.

Ayaw raw kasi ni Bersamin na mapaghinalaan ng publiko na niluto ang desisyon ng SC sa electoral protest ni Marcos. Pero pinilit siya ng en banc na bumoto kaya natuloy ang paglalabas ng kontro­bersyal na desisyon bago siya magretiro.

Sa nilabas na desisyon ng SC, hindi lang mga ordinaryong Pilipino ang nagkokomento kundi pati na ang mga dating na­ging opisyal ng Commission on Elections. Sinabi mismo ni dating commissioner Gregorio Larrazabal na mapa­nganib ang pakyawang annulment ng boto. Kung gagawin daw ito sa tatlong lalawigan sa Mindanao, hindi malayong ipabura rin ang resulta ng halalan sa ibang panig ng bansa.

Magiging p naghahanapbuhay recedent din ito sa mga ihahaing electoral protest sa hinaharap. Imbes na magpetisyon ang natalong kandidato ng vote recount, magpepetisyon na lang siya ng annulment ng boto sa mga lugar kung saan siya natalo. Huwag naman sanang mangyari ito sa hinaharap dahil lalong magiging magulo ang takbo ng politika sa bansa.