Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na matatanggap na ng mga public health worker ang kanilang hazard pay o COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) na katumbas ng hanggang 25% ng buwanan nilang sweldo.

Ayon sa kagawaran, batay sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal As One Act, nailabas na ang Administrative Order N,o. 28 para maibigay sa mga frontliner na health worker ang kanilang COVID-19 SRA.

Sakop nito ang mga public health worker na regular, contractual o mga casual na empleyado full-time man o part-time gayundin ang mga heakth worker na contract of service (COS) o job order (JO), at ang mga Barangay Health Worker o BHW.

Batay paliwanag ng DOH na nilabas sa Facebook page nito, one-time payment ito para sa lahat ng mga public health worker sa mga national government agency at sa mga local government unit. (Juliet de Loza-Cudia)