Hazing sa PMA

Dear Abante Tonite,

Isa sa mga isyung panlipunan na gusto kong talakayin ay ang hazing na nagaganap sa ­Philippine Military Academy o PMA.

Ang nasabing lugar ay kung saan hinahasa ang mga bata upang maging magaling na pulis o sundalo.

Maraming kabataan ang naghahangad na makapasok sa PMA ngunit kamakailan lang ay may lumutang na isang balita na may ­namatay na raw dito, at hazing ang ­sinasabing dahilan.

Maraming magulang ang natakot sa balita na ito, lalo na ang mga nasa PMA ang anak. Dahil sa mismong lugar kung saan sinasanay ang mga bata upang mahubog at maging isang mahusay na pulis o sundalo ay siya pang pinagsisimulan ng krimen.

Vince Russel Lait