Dumistansiya ang HBO kay Manny Pacquiao.

Kamakailan ay kinumpirma ni Pacquiao na babalik siya sa ring sa Nov. 5 laban kay WBO welterweight champion Jessie Vargas, pero hindi na raw ang HBO ang hahawak sa pay-per-view, ayon promoter ni Pacquiao na si Bob Arum.

“Definitely it’s not going to be HBO,” pahayag ni Top Rank boss Arum sa Ring TV. “HBO had a contract and decided to pass because it was two weeks in front of their Ward-Kovalev fight.”

Tinutukoy ni Arum ang title defense ni Sergey Kovalev ng world light-heavyweight titles laban kay Andre Ward sa Las Vegas sa Nov. 19.

Maliban sa live attendance, tumatabo rin sa takilya ang mga laban ni Pacquiao – at ng ibang bigating pangalan sa boxing – sa PPV. At madalas na nasa likod ng marketing ng PPV ay HBO.

Dahil sa pag-atras ng HBO, ibebenta ni Arum sa ibang broadcasters ang Pacquiao-Vargas fight at lumutang na ang ESPN at Showtime na posibleng hu­mawak ng PPV.

Hindi pa nga lang daw nakakausap ni Arum alinman sa dalawa.

2 Responses

  1. wala na, alam nilang laos na si pacquiao at wala ng manonood nyan. Pagkatapos ng walang kwentang laban nila ni Mayweather di na bebenta yan. matanda na si pacquiao para sa boxing kaya ngayon gustong gatasan ang mga pilipino.

    1. Ikaw naman….sayang din naman ang isang bilyong kikitain niya kahit na ba walang kalatuy-latoy ang magiging laban niya. Pera-pera lang naman yan. Tingnan mo yong laban nila ni Mayweather di ba naloko nila ang mga tao at kumita silang dalawa ng bilyones.