Hearing sa mga korte nilimitahan

Tuloy umano ang pagsasagawa ng hearing sa mga importanteng kaso , sakabila ng utos ng Supreme Court na bawasan ang operasyon sa mga korte sa buong bansa simula Marso 15 hanggang Abril 15 bunsod nang pagtaas ng klaso ng COVID-19 sa bansa .

Sa ipinalabas na administrative circular, inatasan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang lahat ng korte na panatilihin `skeletal force’ o piling tauhan upang tumugon sa mga importanteng kaso.

“Majority of the justices in collegiate courts and one or two judges in multi-sala stations of the lower courts must be on stand-by to act,” sabi pa sa circular.

Sinuspende ang lahat ng hearing o pagdinig ngayong umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon kabilang na ang mga pleading o apela para sa bail o piyansa, writ of habeas corpus, promulgation of judgment of acquittal , apela ng mga inaresto at mga nakakulong at ibang kaugnay ng aksyon upang maiwasan ang anumang bantang pagkalat ng coronavirus.

Dahil sa umiiral na 8 p.m. hanggang 5 a.m. curfew , lahat ng korte ay bukas ng alas -9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Suspendido na rin ang mga night court sa buong bansa. (Juliet de Loza-Cudia).