PANGUNGUNAHAN ni Alyas Robin Hood — si Dingdong Dantes — ang Kapuso celebrities na makikisaya sa Kada­yawan Festival sa Davao City!

Bukas (HUWEBES, August 17) ng 4:00 PM, ang cast ng daytime drama na Ika-6 Na Utos ang makiki-bonding sa loyal fans sa Kapuso Mall Show.

Abangan sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Gabby Concepcion sa Gaisano Mall Davao.

Sa BIYERNES (August 18) ng 4:00 PM, ang upcoming primetime series na My Korean Jagi­ya ang magpapakilig sa mga Dabawenyo.

Pangungunahan nina Heart Evangelista-Escudero at Alexander Lee ang Kapuso Mall Show sa SM City Davao.

Makikisaya rin ang kanilang co-stars na sina Edgar Allan Guzman at Myke Salomon at ang bagong hosts ng All-Star Vi­deoke na sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya.

Sa LINGGO (August 20) ng 8:00 AM, sakay ng Kapuso Float sina Dingdong, Solenn at Andrea Torres sa Pa­mulak sa Kadayawan (Kada­yawan Float Parade).

Sa hapon ng 3:00 PM, tampok sina Dingdong, Andrea, at Solenn sa Kapuso Mall Show sa SM City Davao.