HAVEY: Ipinagbawal man ang magarbong fashion show ng mga gown sa unang State Of the Nation Address ni Presidente Digong, hindi pa rin maiiwasan ang sinasabi nilang showbusiness attire na suot ng mga mambabatas at mga imbitadong mga panauhin.
Toned down sa bongga pero embroidered pa rin ang damit ng Duterte supporter na si Gretchen Barretto.
Nakasimpleng dress rin lang sina Heart Evangelista, Congresswomen Lucy Torres-Gomez at Vilma Santos.
Marami ang nagturing na best in Filipiniana si Heart.
Nang makausap namin ang isang designer, sinabi niyang nagtatantiyahan ang mga politiko at invited guests kung bobonggahan ang damit nila.
Kumita ang designers, kasi, dalawang alternatives ang pinagawa ng kanilang mga kliyente.
May naka-standby na magarbo at isang simple-simplehan lang. Ang namayani ay ‘yung simple lang.
Pero ang comment ng mga tao sa newsroom, parang Ma’ Rosa lang ang pinanood nilang SONA with the shooting up, panning na hindi pa tapos ang statements at gritty shots na madalas nakikita sa indie films ni Direk Brillante Mendoza.
Iba lang talaga ang cadence ng indie feature sa news coverage. But all in all, at least, na-excite ang mga tao sa Unang SONA ng ating bagong halal na Presidente.
Ngayon, tuloy ang aksyon!!!
***

Jolina MagdangalWALEY: Dahil sa TFC, namo-monitor ang mga galaw ng showbiz hindi lang sa Pilipinas, kundi ang mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Malaking balita sa US ang malakas na bentahan ng tickets para sa ASAP sa New York.
Kahit $150 na tickets ay pinapakyaw ng ating mga kababayan. Sulit na sulit kasi ang show na halos lahat ng mga sikat na mga Kapamilya Stars ay pupunta roon kasama ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.
Kasabay nu’n, nandun na pala sa U.S. at buong ningning nang nagladlad ang dating nagpahiging kay Jolina Magdangal at nanligaw.
Naalala ko na dinadalaw pa niya noon si Jolina sa recording. Sabi na lang ni Jolens, “Lapitin talaga ako ng mga sirena, kapatid!”
Hayun, may show na sa isang television network ang naturang pamhintang ladlad na kasama ng isang singer.
Ang title ng kanilang TV show ay may hint ng pagkabading din, “Howdy” ang bungad nito sa show.
Madaling mahulaan ang pangalan ng tv personality na ito dahil dalawang letra lang ang kanyang pangalan.
Nag-extra siya sa pelikula at expert nang mag-modulate sa kanyang mga news report.
Gets n’yo na?
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.