Heart, bitin ang pasilip

Heart Evangelista

ILANG beses nang nag-post si Heart Evangelista sa Instagram kasama ang makakatambal sa upcoming GMA series na My Korean Jagiya, pero hindi pa rin pinapa­kilala o pinapakita man lang ang mukha.

Nakakabitin!

Sino ba talaga ang Korean actor na ito?

At any rate, gandara ang shooting locations ng bagong serye sa iba’t ibang tourist spots sa South Korea tulad ng Namsan Park, Nami Island, Myeongdong, at ang original sets ng Jewel in the Palace at My Love From The Star.

Nakaka-excite!