Heart-Dennis, malakas ang chemistry

Heart Evangelista at Dennis Trillo

INABANGAN at tinutukan ang muling paglipad ng mga taong-ibon.

Trending worldwide ang pilot episode ng Mulawin vs. Ravena. Hanggang kahapon ay hindi pa rin ito nawala sa trending topic. Tuluy-tuloy na pinag-usapan ang mga kaganapan dito.

Marami ang inatake ng nostalgia at nagbalik-tanaw sa mga nangyari noong unang pinalabas ang Mulawin sa GMA 7. Bukod sa exciting ang kwento, marami itong iniwang tanong sa first episode.

Ang lakas talaga ng chemistry nina Heart Evangelista at Dennis Trillo!

Damang-dama ang feelings ng da­lawa sa mga eksena. Nakakakilig ang mga sinasabi ni Gabriel (Dennis) kay Alwina (Heart) pero ramdam ang pinag­huhugutan nilang lumbay at pighati.

Bukod diyan, hinangaan ang ganda ng effects at cinematography ng Mulawin vs. Ravena.