Heart excited maging hurado sa ‘Starstruck’

Happy ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil isa siya sa magiging hurado ng sikat na GMA artista search show na “Starstuck” na magbabalik sa bago nitong season ngayong taon.

“I always wanted to be a judge of a talent show,” hirit niya.

Excited daw siya dahil first time niya itong gagawin.

“Yes, it’s my first time, sa pagbabalik ng Starstruck after two years. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin, ‘I’m sorry it’s a no.’ I don’t know how, but I’m very excited for that,” pahayag niya.

Napapanahon din daw ang nasabing star search dahil naniniwala siyang maraming mga young hopeful na talentado na kailangan lamang ng tamang break para madiskubre sa showbiz.

Sa mga bagong star na madidiskubre niya sa GMA-7 sa pamamagitan ng nasabing programa, wala raw siyang specific na quality na hinahanap.

“You know wala siyang specific quality, it’s either you have it or you don’t. That’s for me, yes definitely, that’s the X factor but there’s a spark about somebody. It’s not about how you look, it’s not about how great of a singer you are, there’s just something about who you are that makes you different,” paliwanag niya.

“I think that’s something I want to look for. So kahit shy sila you’ll know, even if they don’t do their best sa audition you’ll just know that this person was meant to do great things, so ‘yon siguro ‘yong hahanapin ko,” dugtong niya. ()