HIRAP pa ring mag-move on si Heart E­­va­n­gelista sa pagpanaw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Pawang tungkol sa namayapang senadora ang ipinu-post niya sa Instagram.

Andiyan ang mga biyahe nilang magkasama kung saan nakapag-bon­ding silang mabuti.

Hindi napigilan ni Heart na maging emosyonal at maiyak nang magbigay siya ng Eulogy sa mass at necrological service sa Immaculate Conception Cathedral kamakalawa nang gabi.

Bahagi ng eulogy ng Kapuso actress, itinuturing niyang fairy godmother, protector, hero, mother at bestfriend ang namayapang senadora.

Sinariwa niyang kaya nagkakilala sila ni Sen. Chiz Escudero dahil kay Sen. Miriam.

Marami ring payo sa kanya si Sen. M­iriam na sinunod niya, at nung panahong nagkakaproblema siya sa kanyang magulang, si Sen. Miriam ang takbuhan niya at nagsilbing magulang.

Napaiyak na si Heart bago niya tinapos ang kanyang eulogy kung saan nagpasa­lamat siya sa lahat na pagmamahal sa kanya ni Sen. Miriam.

Sabi niya, “I will forever be grateful for the love you made me feel. Thank you so much.

“For now, I shall say goodbye and with a sad smile, I will say, until we meet again.”

One Response