SA kontrobersiyal na Instagram Live ni Heart Evangelista na talk of the town na ngayon, hindi nakalimutang pasalamatan ng aktres ang kanyang mga fan na nanatiling kalmado during those times na binaba-bash siya ng mga netizen.
May mga fan nga rin daw na nag-create ng account at nagpanggap na Heart Evangelista fan para lang manggulo at manira, pero ayon sa aktres ay kilala niya ang kanyang mga totoong fan.
“I know my fans. I may not have a lot but I know your hearts and I really thank you for always listening to me that even if it’s so hard and you wanna answer back, and you wanna fight back, and you know, say all these things because you know the truth, I really appreciate that you guys are calm and you hold yourself together and you’re just always so positive about things,” sabi ni Heart.
Pinaalahahanan niya rin ang mga fan ng ibang artista na sana’y itigil na ang pangba-bash sa ibang artista para lang maiangat ang kanilang idolo. Mas maganda raw kung nagkakaisa ang mga fan ng lahat ng artista at dahil dito ay madadagdan pa raw ang mga supporter ng ibang celebs.
Ini-reveal din ni Heart na pati ang mga friend niya ay nakaranas din ng pangha-harass at pangbu-bully sa social media just because identified sa kanya.
May ipinaglalaban si Heart sa kanyang mga pahayag at maganda naman ang layunin niya na magbigay ng encouragement sa lahat ng mga taong nabu-bully na lumaban at huwag matakot.
‘Yun nga lang, in the process ay muling nabuhay ang patay na sanang issue sa kanila ni Marian Rivera. Tiyak na lalaki pa ito dahil ayon nga kay Heart sa kanyang IG Live, she will be talking about it more from now on dahil hindi na raw siya takot.