PUSPUSAN na ang paghahanda ng Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista-Escudero sa kanyang upcoming exhibit na Carry Your Heart.
Idi-display niya sa Volkswagen Showroom sa Bonifacio Global City simula Sept. 3-9 ang mga Hermes bags na kanyang pinintahan.
Kahit may mga nagtataas ng kilay sa ginagawa ng Juan Happy Love Story actress, hindi siya nagpapaapekto sa mga ito.
Bagkus, nagpapasalamat siya sa mga kliyente niyang ipinagkakatiwala sa kanya ang kanilang mamahaling bags.
“I appreciate and I’m super-duper thankful that the people that have their bags painted really appreciate my work.
“But the bashers, I have no space for them and they don’t exist in my life.”
***
Masigabong palakpakan ang igawad natin kay Jessica Soho sa kanyang magandang interview with Yolanda Pascual ng Cagayan Valley na nag-alaga kay Joseph Schooling na nakatalo kay Michael Phelps sa gold medal sa swimming sa Rio 2016 Olympics.
Mahusay na naitawid ni Jessica Soho ang bilingual interview kina Joseph at Ate Yolanda na may bonus pang pag-i-Ilocano. Makabuluhan at nakakaantig ang pagtatanong at panayam nila sa State Of The Nation, kaiba sa TV Patrol o Bandila na salat sa husay sa sensitibong pagtatanong ang anchors.
***
Magandang balita ang pagbabalik telebisyon ni Aga Muhlach via the Pinoy Boyband Superstar kung saan makakasama niya sina Sandara Park, Vice Ganda at Yeng Constantino.
Sana nga, tulad ni Sharon, bumangon na sa pagiging kampante at komportable ni Aga sa kanyang buhay at bumalik na sa pag-arte kung saan kinikilala ang husay niya.
***
Pumirma si Gabby Concepcion ng kontrata kahapon sa Kapuso Network.
Gagawa siya ng comedy show sa GMA.
“I am very, very greatful,” sey ni Gabby.
“I think it’s going to be a good year. Malapit na ang birthday ko, so, this is a really good birthday gift.
“At least, tuluy-tuloy nila akong mapapanood after ng role ko as Boss Yummy sa Because of You.
“Definitely, we are doing other shows in GMA. Meron kaming gagawing comedy. Pahinga muna tayo sa drama.
“Magpapatawa at magpapasaya muna tayo ngayon.”
***
Totoo kaya ang tsikang pumirma na si Kris Aquino sa APT Entertainment?
Kung kasama na siya finally sa Enteng Kabisote 10 movie ni Vic Sotto o isang bagong show ang niluluto para sa kanya sa GMA ay magkakagulatan na lang daw.
Gaano rin ka-reliable ang balita na hindi man lang daw nagsabi si Kris sa kanyang manager at kaibigan na si Boy Abunda sa naturang move na ito?
***
Tanong ng mga nagigising nang maaga, bakit ang Umagang Kay Ganda, naging mukhang Walang Tulugan na kung sinu-sino na lang ang mga bagets na nag-aanchor ng segments?
Dapat patatagin ng UKG ang core anchors nila. Kasi, wala silang panama sa seasoned hosts ng Unang Hirit na may sarili nilang tatak at show na isinusulong.