Heart, ii-schedule ang pagbubuntis sa Pebrero 2017

Heart Evangelista

BACK to reality na ang mister niyang si Senator Chiz Escudero dahil nagsimula na ang bagong sesyon ng Senado, kaya sabi ni Heart Evangelista-Escudero ay mukhang mauudlot na naman ang binabalak nilang honeymoon abroad.

Sey ni Heart nang makahuntahan namin siya sa set ng Juan Happy Love Story, parang okey na rin dahil ang daming nangyayari ngayon sa ibang bansa lalo na sa Europe, kaya nakakatakot ding magbiyahe.

At sa dami ng pinagkakaabalahan ni Heart ay mukhang wala rin siyang time para mag-travel.

Meron siyang upcoming bag exhibit, may ilalabas siyang cook book, meron siyang ni-launch na cosmetics line na susundan ng perfume, bag clothing line at home collection.

Pero ang sabi sa amin ni Heart, kakayanin niyang i-schedule ang pagsisimulang makabuo ng baby by February 2017.

In fairness ay hindi siya pine-pressure ng mister niyang si Sen. Chiz sa pagkakaroon ng anak, pero ang sey ni Heart, “I will seriously work on it on Feb!”

Kaya sa Pebrero pa ay dahil nakatutok siya sa pinapagawa niyang dream house. Dapat ay sa Christmas ito matatapos, pero aabutin na ito ng January.

Ang kambal na anak ni Chiz ay tinatanong na si Heart kung kailan siya magkaka-baby. Gusto na ng twins na magkaroon ng kapatid.

Sa tanong namin kung nae-excite na siyang magka-baby, ang sagot ni Mrs. Escudero ay natatakot pa siya as of now.

Takot kasi siya sa karayom o sa kahit na anong klase ng injection.
Alam niyang tuturukan siya ng anaesthesia ‘pag nanganak siya, so afraid siya roon.

Naaliw kami sa hirit sa amin ni Heart na na-decide na niya at sinabi niya sa kayang doktor na ang gusto niya ay caesarean delivery.

Takot din kasi siyang makakita ng dugo, kaya ang gusto niya ay tulog siya, tapos ay bibiyakin na lang siya.

Ilang baby ba ang gusto niya?
“I think I’m just gonna have one.”

Katwiran ni Heart, tatlo lang kasi ang kuwarto for the kids sa pinapagawa niyang 5-bedroom house. Since tig-isa na ‘yung kambal sa dalawang rooms, isang room na lang ang para sa darating na baby.

‘Yung isang kuwarto ay para sa kanila ni Chiz at ‘yung isa pa ay ginawa niyang walk-in closet.
Cute ang kuwento ni Heart na regular viewer ng Juan Happy Love Story si Sen. Chiz at medyo nalungkot ito nang malamang patapos na ang naughty Kapuso series.

Sobrang natutuwa si Chiz sa tamba­lang Heart-Dennis Trillo kaya wish nitong magkaroon ng sitcom ang DenHeart. Puwede raw kasing gawing sitcom ang story ng JHLS.

Nakangiting sey ni Heart, lumaki siya sa sitcom at doon siya nag-umpisa kaya open siya sa brilliant idea na ‘yon ng kanyang asawa.