Kamakailan lang ay naging maingay ang pag-alis ng aktres na si Heart Evangelista-Escudero papuntang China. Inaakala ng karamihan na ang pagpunta nito ay para sa shooting ng sequel ng “Crazy Rich Asians.”

Sandamakmak kasi ang wardrobe na dala ng aktres pero nilinaw ng aktres ang isyu sa kanyang Twitter.

Ani Heart, “For those of you asking I am not in China to film for crazy rich. I am here for something else – can’t wait to share.”

Sabagay, pabongga naman talaga si Heart. Halos araw-araw nga ang pag-OOTD niya. Kina­aliwan naman ng mga netizen, dahil nakaporma pa ang aktres kahit mamamalengke lang. ­