HINDI na muna itutuloy nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang balak nilang pagpapakasal uli dahil nakatakda pang ikasal ang kapatid niyang si Camille.

“Ikakasal kasi ‘yung sister ko itong October, paunahin naman natin s’ya,” pakli ng Kapuso actress.

Naniniwala sila sa sukob kaya ibibigay niya ang taong ito sa kanyang ate Cams.

Kaya ito ang pinaghahandaan ng pamil­ya para sa kanyang kapatid.

Si Heart ang nag-ayos ng wedding gown na gagawin ni Mark Bumgarner at si Heart ang magpe-paint ng design sa wedding gown.

Nandiyan pa rin naman daw ang plano nila ni Sen. Chiz na magpakasal pero very intimate lang talaga ito.

Simpleng-simple lang ito dahil gusto lang nilang gawin iyun para sa Mommy at Daddy niya.

Ang gusto lang nila ay magkaroon lang ng family picture na kumpleto sila sa kanilang kasal.

Sobrang okay na kasi ngayon si Sen. Chiz sa Mommy at Daddy niya. Close na ang Daddy niya kay Sen. Chiz.

“Okay na talaga sila, as if nothing happened,” pakli ni Heart nang nakatsikahan namin nang matagal sa contract-signing niya sa Viva.

***

May mga na-discuss na sa kanya ang Viva kung ano ang gagawin niyang pelikula pero wala pang na-confirm kung sino ang makakasama niya.

Pati sa GMA 7 ay may mga narinig siyang gagawin niyang project pero wala pang confirmation mula sa mga bosses.

Na-excite siya sa tsikang balak gawing sitcom ang series nila ni Dennis Trillo na Juan Happy Love Story.

“I really like. Hindi pa naman nila kinu-confirm sa akin, but that was such a good idea,” pahayag ni Heart.

Sa totoo lang, ang unang nakaisip raw ng ideyang gawin itong sitcom ay si Sen. Chiz mismo.

“I remember sinabi sa akin ni Chiz na ‘alam mo, ‘yung story ng Juan Happy Love, parang pangmatagalan. Sayang lang at it ended. It should be a sitcom.’

“Parang may narinig kami ganyan,” dagdag niyang pahayag.

Okay sana na matuloy iyun para kahit pregnant na siya, puwede pa rin siyang magtrabaho.