Heart nag-sorry sa bone cancer patient

Heart nag-sorry sa bone cancer patient

Paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin ni Heart Evangelista kahapon matapos siyang i-bash ng mga netizens tungkol sa tweet niya about a bone cancer patient na si Cynthis Esperitu na naglakad nang nakasaklay mula Masinag hangang sa Marcos Hi-way.

Actually, wala kaming makitang kalait-lait sa tweet ni Heart na “Dear Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive – God bless you and your friend.”

Pero minasama ito ng ibang mga tao at katakot-takot na pangba-bash na ang kanyang natanggap. Para sa kanila, parang masaya pa raw si Heart sa dusang nangyari sa cancer patient at inakusahan siya for romanticizing Cynthia’s struggle.

Hindi kinaya ni Heart ang sunod-sunod na bashings at binura na kanyang tweet sabay-hingi ng dispensa.

“I deleted all my previous tweets . I understand the hate . I should have elaborated my sentiments more . I am sorry . So sorry…

“You may not see my heart and that’s ok so I just wanna say I am truly sorry if I offended “you”

“so sorry I really am 🙁 this is driving me crazy 🙁 I am so sorry,” ang sunod-sunod na tweets ni Heart.

Marami naman sa mga netizen ang na-touch sa paghingi niya ng sorry at kinumpara pa siya kay Cat Arambulo-Antonio, ang lifestyle vlogger na nakatanggap din ng panlalait dahil sa kanyang “motherfucker” tweet.

Pero meron pa ring mga bashers na kinastigo pa rin si Heart kahit nag-apologize na siya.

“It is not hate miss heart. it is for you to understand which one needs to call out for. Use your platform not just to spread positivity but POSITIVITY THAT ENCOURAGES CHANGE. So Miss Cynthia and other sick Filipinos wouldnt have to walk anymore,” komento ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isa pa, “hindi po siya hate, people just called you out because of the insensitivity of your statements. this is a learning process and we hope you learned from this.”

Pokwang ‘papansin’ sa pagtulong, imbudo

Nanggagalaiti naman sa galit si Pokwang sa pangba-bash din na naranasan matapos niyang tumulong at mag-donate ng mga pagkain kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang noong Lunes ay nagpa-tuna sandwhich si Pokie para sa mga pulis at sundalo na nasa checkpoint areas. Kahapon naman ay nag-repack siya ng mga pagkain at bigas para sa mga taong apektado ng CoVid-19.

Pero ang ending, siya pa ang na-bash at sinabihan siyang nagpapapansin kaya hindi nakapagpigil ang komedyana’t galit na sinagot ang mga bashers.

“Damned if you do, damned if you don’t, sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo nayan! Pumikit na lang kayo at manalangin! Yan nalang sana maitulong nyo sa bayan natin. POTAH KAYO!” ang nilalaman ng art card na pinost ni Pokie.

Sa caption ay umuusok pa rin ang tenga ni Pokwang at tinawag na “animal” ang mga bashers.

“READ THIS MGA ANIMAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS???? NGAYON PA TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!” ang caption ni Pokie na halatang imbiyernang imbiyerna.

Nagpahayag naman ng kanilang suporta at pagmamahal kay Pokwang ang mga celebrities natin tulad nina Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, K Brosas, Arlene Muhlach at marami pang iba.

“Hay pati ba naman yung pagtulong may ikakabash pa? Hugs mamang. Hayaan mo sila. Napakabuti ng puso mo,” komento ni Jessy.

Sey naman ni K, “marami talagang epal.. pag hindi ka nag post NG pag tulong ang hanas eh “Anong ambag mo? At bakit Di mo gamitin pagiging artista mo??” Pakkaattaappooss pag nag post ka naman eh “Di mo kelangan mag yabang! Etc!” Haaaay.. wala kang lulugaran.. kaya tumulong na Lang tayo kesa kuda! Labyu bff! Kalmaaaaaaaaa!”

Vice umapela sa mga pasaway sa virus

Sa gitna ng pagkakagulo ng mga tao dahil sa COVID-19 na lahat ay may opinyon, reklamo at ipinaglalaban, umapela si Vice Ganda sa kanyang Twitter account na tigilan na ang pag-aaway at pagmamagaling dahil wala naman itong maitutulong.

“Wag tayong mag away away. Lalong lalo na sa panahong ito. Di makakatulong. Wag tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling. Wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pagmamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo .

“Sa oras na to naniniwala ako na lhat tayo ay pareho lang ang intensyon. Yun ay ang makaraos at makatulong sa sitwasyon kahit papaano. SADYANG MAGKAKAIBA LANG TAYO NG MGA PARAAN AT ATAKE. Lahat tayo ay nagdadasal na matapos na ang krisis na ito.

“Hindi lang sa mga ‘walang makakain’ tayo dapat may compassion. Dapat sa lahat. OO SA LAHAT. Pati sa mga pinaparatangan nating walang compassion. Pahabain natin ang pang unawa sa isat isa. The more na nagagalit tyo mas humihina ang ating immune system. CALMNESS IS STRENGTH.

“CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan. Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive. Hingang malalim. Gawing donasyon ang PANG UNAWA. GOD BLESS EVERYBODY. This too shall pass,” and sunod-sunod na tweets ni Vice Ganda.

Maraming umayon sa comedian/TV host pero ang iba naman ay hinilingan siyang mag-donate rin para makatulong.