Heart, nagpa-dinner para kay Alexander

Alexander at Heart

PERFECT example si Heart Evangelista sa pagiging hospitable ng mga Pilipino.

Nagpa-dinner si Heart para sa birthday ng kanyang leading man sa My Korean Jagiya na si Ale­xander Lee nitong weekend. Kitang-kita sa photos na uploaded sa social media accounts ng co-actors nila na super nag-enjoy ang Korean actor sa birthday dinner na in-organize ng Philippine TV’s Sweetheart.

Kasama sa mga dumalo ang director ng serye na si Mark Reyes, Ja­nice de Belen, Iya Villania at maging si Ricky Davao na nagbigay pa ng regalo kay Alexander.