Heart naubusan ng datung

NI: RONA RONDA

Dagsa ang humihingi ng tulong sa aktres na si Heart Evangelista, magsimula nang ipinatupad ang ECQ sa bansa. Personal siyang nagre-reply sa mga nangangailangan ng ayuda sa Twitter.

Kung minsan ay umaabot sa pitong tao ang natutulungan niya sa loob lamang ng isang araw. Iba sa mga ito ay nanghihingi ng pang-gatas sa kanilang mga anak o ‘di kaya ay maintenance na gamot sa mga may sakit.

Subalit sa latest na panayam sa aktres, inamin niya na sa kabila ng kanyang pagtulong ay may nga taong hindi nakakaintinna nagtatrabaho rin siya.

Hindi rin umano nag-uumapaw ang kanyang pera kaya’t hindi mabibigyan ng tulong ang lahat. Mauubusan din siya ng kadatungan.

Aniya, “Hindi balon iyong aking pera, na, endless.”

Gayunpaman, masaya si Heart sa pagtulong kaya naman na-guilty siya sa sarili na dapat ay nakapag-ipon pa siya ng pera kaysa bumili ng kung ano-ano.

Sey pa niya, “I wish I could have saved more for this time that I could help more, instead of, you know, stuff. “