Heart niratrat sa canton

Binanatan si Heart Evangelista sa kanyang Instagram post na kumakain ng pansit canton.

Ang caption niya ay , @iamhearte, Sometimes I workout, and sometimes I do this…”

Samu’t saring reaksyon ang natanggap niya. Sinabihan siyang maarte dahil naka-shade habang kumakain. May nagsasabi ring pasosyal ang fashion icon.

Bagamat may mga nag-like, may mga basher din na nagre-react na papansin at trying hard umano ang dating ng aktres.

@kendalxkendal , “The beautiful clothes make up for the talent, and personality. I just wonder, is she interesting without these expensive pieces. I bet she knows that already that’s why she dresses like that even in quarantine. Lols.”

Pakli ng aktres, ““LOL! Glad you feel good about yourself now.”

@meme.lang, “sobrang oa mo nasa bahay ka lang ganyan itsura mo.”

Hindi rin niya ito inaway. Sagot lang niya, ““Super!!! ( tapos ng emojis na popscorn , stars, wine toast, trumphet.”

May mga bitter na hindi pabor sa mga pino-post ni Heart sa uri ng kanyang pamumuhay ngayong nasa gitna tayo ng enhanced community quarantine at krisis.

Gayunpaman, may pumuri din sa kanya.

@belleleuve, “Sana pg kumain rin ako ng noodles ganito ka classy.”

@hannahpangilinan00AHHH!!!! so elegant paden kahit nag cacanton lang!! “