Heart, payanig sa BIKINING ITIM

NAG-E-ENJOY pa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa pamamasyal sa Hawaii.

Panahon niya ito para magbakasyon kasama ang pamilya.

Fashionista pa rin si Heart sa kanyang mga posts. Payanig ang kanyang alindog sa black bikini na inirampa niya roon.

May makukulit na fans na pinauuwi na siya dahil gusto na nilang bumalik sa Mulawin vs. Ravena ang aktres.

Kahit nasa ibang bansa si Heart, naipagdiwang niya ang Independence Day nang may kabuluhan.

Nagbukas siya ng exhibit doon kasama ang ilan pang Filipino artists para maipagmalaki ang talentong Pilipino.

***

Maraming netizens ang naghihimutok dahil ang hitad na si Georgia (Ryza Cenon) na naman ang nakakalamang sa Ika-6 Na Utos.

Affected much ang mga manonood dahil sa kahibangan at kabuktutan ni Georgia.

Sa dinami-rami ng atraso ni Georgia eh bakit hindi pa ito tuluyang chinorva ng malas?
Nasaan ang hustisya?

Mabibigyan pa ba ng alas si Emma (Sunshine Dizon)?
Kailan matatanto ni Rome (Gabby Concepcion) ang totoo?

Naku, huh! Nakakarami na si Georgia.

Dapat makaganti si Emma kahit paano sa kaaway!