EXCITED na si Heart Evangelista-Escudero na lumipat sa ipinapatayo niyang bagong bahay sa Quezon City.

Ipinost niya ­kama­kailan sa Instagram ang kuha sa harap ng ­bahay na ginagawa pa ito.

Halos tapos na ang bahay kaya parang hindi siya makapaniwalang malapit na niya itong tirhan.

Sabi ni Heart sa IG, “Everytime I visit my ­future home I feel like crying. Years of hardwork.
“You are just ama­zing God. Thank you for ­everything, tears, pain and joyful times!

“In Your perfect time talaga! Wow! My home is almost done..not yet but getting there! #homeis­wheretheheartis”

Madalas na ngayon ang pag-check ng Kapuso actress sa kanyang bahay dahil nasa finishing touches na ito.

Nung huling nakausap namin si Heart sa ­Viva Films, nilinaw niyang kanya iyun at walang share si Sen. Chiz Escudero. Makikitira na lang daw sa kanya, pabiro niyang pahayag.

Pero pagdating sa ilang mga gamit, baka ipa-sponsor na niya sa kanyang asawa.

Ang isa kasi sa gusto niyang karirin na ayusin ay ang kitchen dahil nagpapakadalubhasa na siya pagluluto.

Balak ni Heart na ­lumipat na sila ni Sen. Chiz kasama ang kambal nito bago sa birthday niya sa February 14 next year. Gusto niya kasi na sa bagong bahay na siya mag-celebrate ng ­kanyang kaarawan.

Agree si Heart na pagkatapos ng bagong bahay, ang kasunod na ­siyempre ang baby nila ni Sen. Chiz.

Ready na siyang magka-baby sa 2017.

Kaya hindi pa masa­sabi ni Heart kung ano ang susunod na show ­niya sa GMA 7.

One Response