HINDI lang sa politics kundi pati­ ang showbiz ay nagluksa sa pagpanaw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Si Sen. Miriam ang isa sa pinakapaboritong i-impersonate sa gag shows at ­comedy bars.

Ang dami ring taga-showbiz na suppor­ters ng namayapang senador.

Ang isa pang close sa kanya ay si Heart Evangelista-Escudero na itinuturing siyang second mom.

Noong huling nakausap namin si Heart sa contract signing niya sa Viva, lumungkot ang mukha niya nang kinamusta namin sa kanya ang Tita Miriam niya.

Mukhang meron siyang ikukuwento, pero nagpigil lang ito.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap pero nakukumusta niya minsan.

Ang Tita Miriam niya ang nagturo sa kanya tungkol sa pre-nup agreement nila ni Sen. Chiz at ang set-up nila ngayon pagdating sa pag-handle ng finances­ nila.

Malamang ay apektado siya nang husto, pero nasa Vietnam pa yata ngayon si Heart dahil isinama siya ni Sen. Chiz na kasama sa official de­legation ni Pres. ­Rodrigo Duterte na pumunta sa naturang bansa.