Heat stroke ibinabala ng PAGASA

Pinaalalahanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang publiko na mag-ingat ngayong panahon ng tag-init.

Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion at puwedeng mauwi sa heat stroke ang tuluy-tuloy na physical activity sa gitna ng mainit na klima.

Nauna rito, nitong Linggo ay nakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang Metro Manila.

Nabatid na umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang alas-3:00 ng hapon.

Umabot naman sa 34.4 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Paalala ng weather bureau, ang pagpalo ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index ay mapanganib lalo na sa kalusugan ng publiko.

Dahil dito’y nagpayo ang PAGASA na maging maingat at wag sasabayan ng physical activities lalo na sa tanghali ang banta ng init.

Mainam din anilang uminom lagi ng tubig.