Heavyweights magtatapat

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
4:00 p.m. – San Sebastian vs. Ateneo
6:00 p.m. – UST vs. St. Benilde

Uupuan ng UST ang solo-lead sa Group B sa pakikipagtipan sa NCAA champion St. Benilde, sasagupain ng San Sebastian ang Ateneo sa tapatan ng mga heavyweights sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena sa Pasig.

Sa likod ng magka­patid na EJ at Eya Laure, biniktima ng Tigresses ang San Beda Red Spikers 27-25, 25-18, 20-25, 25-18 noong Miyerkules para magarang umpisahan ang paghahabol sa pampitong kampeonato sa V-League.

Nagparamdam din si high schooler Ma. Agatha Mangulabnan na namigay ng 29 excellent sets at three service aces sa Tigresses.

Natisod ang Lady Blazers sa FEU noong isang linggo.

Unahan naman ang Lady Stags at Lady Eagles sa pagbalikwas mula sa talo sa opener ng twinbill ng midseason conference na suportado ng Mikasa at Accel.