Heechul, Momo umamin sa relasyon

Kumpirmado ang relasyon nina Super Junior Kim Heechul at Twice member na si Momo .

Nauna nang nai-report ng news outlet na Market News noong August 2019 na “dating” na ang dalawa, pero wala ni isa man ang umamin.

It was only last January 2 nang parehong umamin ang agency nina Heechul at Momo na in a relationship na. Pero at that time na itinanggi nila, wala pa raw talaga.

Ayon sa source, “The two of them are currently developing a beautiful love for each other despite their busy schedules. It’s been said that in the rough entertainment industry where many incidents occur, they are a great source of support for each other.

“Their relationship began as ‘close seniors and juniors’ but they are now a couple.”

Mas nakilala raw ng dalawa ang isa’t-isa nang sabay silang lumabas sa isang show noong 2017 hanggang humantong sa pagdi-date.

Noong January 2 inamin ng agency ni Heechul, ang oLabel SJ at ang Momo’s agency na JYP Entertainment sa outlet EDaily na after ng kanilang senior-junior relationship, they recently began dating.