Heechul tameme sa paratang na bading

Bakla ba ang Super Junior member na si Heechul?

Nag-uumpisa pa lang siya ay ito na ang idinidikit na isyu sa kanya. Naiintriga rin sila sa ilang male celebrities na malapit sa kanya.

Ang isyu ng kanyang sexuality ay never na itinanggi o inamin ni Heechul.

Pero sa guesting niya sa programang “7.7 Billion in Love” ay nagpaliwanag siya kung bakit hindi niya itinanggi ang gay rumor sa kanya.

Ayon sa singer, “Those who know are already aware of this, but since my debut there have been endless rumors that I was gay. I’ve had ‘scandals’ with male celebrities too. There were a lot of rumors about me being gay because ever since my debut, I had long hair and wore colored lenses.”

Noong una, gusto raw niya talagang i-address ang issue at sabihing hindi siya gay. Pero iniisip daw niya ang mga miyembro ng LGBTQ at gayundin ang ilang gay supporters niya kung ano ang kanilang mararamdaman.

“At first, I wanted to deny that I was gay, but I felt that if I did, I could possibly disrespect sexual minorities. Whether it’s overseas or in the country, there could be a gay person among the male fans who come to our concerts. I thought that I would feel apologetic towards those fans.”

Sa ngayon, may girlfriend si Heechul. Ito’y ang South Korean girl group member ng Twice na si Momo.

Posible rin na ang gay issue sa kanya ang isa sa dahilan kung bakit against sa relasyon nila ang ilan sa mga fan ni Momo .

Sa pagsasalitang ito ni Heechul regarding gay issue, posibleng mas marami na ang makaunawa sa kanya.