Walang takot ang top model na si Heidi Klum, 44, na rumampa­ nang half-naked sa isang pool sa Cabo, San Lucas, Mexico kamakailan dahil sa kainitan ng panahon. Romantikong bakas­yon ang ginawa nila ng 28-year-old boyfrien­d na si Tom Kaulitz. Walang pakialam ang modelo ka­hit siya ay naka-topless lang at nakikipag­lampu­ngan sa pool. Kesehodang may nakakakita sa kanila.

Sino nga ba ang top model na ito at ganu’n na lang ka-viral sa social media sa showbiz Hollywood ang kanyang pangalan. Si Heidi ay isang German model. Siya rin ang first German model na na­ging Victoria’s Secret Angel. Isa rin siyang sikat na persona­lity, businesswoman, fashion designer­, singer, television producer, author at actress.

Marami ng na-achieve si Heidi sa larangan ng pagmo-model kaya naman nalagay siya sa Forbes magazine bilang second of the World’s Top-Earning Models­. Ilang beses na rin siyang na-nominate sa Emmy Awards at naging Oustanding Host sa Reality-Competition Program. Si Klum ay judge nga­yon sa NBC reality show, ang America’s Got Talent.

Hindi nai-involve sa mga is­kandalo ang celebrity na ito. Mga kapwa niya modelo ay idolo siya dahil napakahusay raw niyang dalhin ang sarili lalo na sa pagrampa sa stage.

Sa edad na 44, may apat na anak na si Heidi, pero kering-keri pa rin niya ang maganda niyang katawan. Hindi ito ang unang ginawa ni Klum na magpakuha ng topless.

Nitong January sa promo pic para sa Germany’s Next Top Model ay pininta siya ng famous painter na si Sandro Botticelli captioned The Birth of Venus. Siya rin ang cover ngayon ng Maxim’s May/June issue kung saan tanging ang buhok lang niya ang naka-cover sa kanyang nakatindig pa ring boobs. Ayon sa source never raw na nagparetoke ng boobs ang 44-year-old celebrity­-model. Hindi pa ito laylay.