WALEY: Waley na wa­ley kung joke na maituturing ang sinabi ni Senator Tito Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo tungkol sa pagka-single mom nito.

Nag-react ang netizens sa tinuran ni Tito Sen kasabay ng pagsabing akala siguro ni Tito Sen, nasa Wanbol University lang siya o Eat Bulaga nang sabihin niya iyun.

In fairness, nag-sorry na si Tito Sen, pero the harm has been done. At marami na ulit nahalungkat na isyu involving him pointing to several lapses on his public pronouncement na ang turing ng iba’y so unbecoming of a Senator or a high-government official.

Maraming taong nag-react  lalo na ang mga single parents o mga nakikisimpatiya rito.

Isa sa mga unang umaray at nasaktan ay si Pokwang na nagsabing, “Hindi po ako na-ano lang! Naging single mom ako kasi wala pong BAYAG ang lalaking minahal ko!

“Pero sa kabila ng lahat ng ito, binuhay ko po ng malinis at maayos ang mga anak ko #DamingBobosaSenado”

Galit din ang ating Broadway Diva na si Lea Salonga, “For much of my growing-up years, my mother was a single mother. I curse anyone and everyone that sees women like her as ‘less than.’

“My husband was, for much of his upbringing, raised by a single mother. I curse anyone that sees women like her as ‘less than.’ For those that look down upon these beloved ladies, there’s a special place in hell for the likes of you.”

Ultimo ang Concert King na  si Martin Nievera na malapit sa mga Sotto dahil sa ninang nilang si Helen Gamboa ay nagsabing, “Single mothers rock! They are the true living heroes. Their sacrifice and dedi­cation to their child­ren are unmatched by any job out there.”

Helen Gamboa
Helen Gamboa

Nakakalungkot na pati ang mahal nating sina Tita Helen Gamboa at Ciara Sotto ay apektado sa pahayag ni Tito Sen.

Ciara, being a single mom to baby Crixus, ay hindi angkop na isama sa mga babaeng ‘inano lang.’

At si Tita Helen, dahil sa kontrobersya, ingat muna ang mga artistang mag-guest sa inihahandang cooking show niya.

Ito ang mga artistang posibleng na-offend sa pahayag ng asawa o iwas muna sa init ng mata ng tao.

***

HAVEY: Just a few hours after mailabas ang call for entries para sa taunang Metro Manila Film Festival, marami nang natanggap na inquiries mula sa mga interesadong producers na sumali.

Ang December 25-January 7 pa rin kasi ang pinaka-viable na playdate para sa Filipino films dahil may pera ang mga tao kapag Kapaskuhan at holiday kasi ito kaya libre ang mga araw para manood ng sine.

Una nang tumawag sa MMFF Secretariat ang TRex Productions at ba­lak nilang isali ang pelikulang nanalo sa Palanca Awards na ‘Deadma Walking’ ni Eric Cabahug.

Inaayos pa lang nila ang cast kasama ang top actors na kaibigan ng produksyon at direktor na si Julius Alfonso. Magsisimula itong i-shoot ngayong Mayo.

Isa pang magandang prospective entry ang Larawan na musical based on Nick Joaquin’s Portrait Of An Artist As A Filipino. Pa­wang mga iginagalang na artists ang involved sa proyektong ito kabilang na sina Rolando Tinio, Ryan Cayabyab, Celeste Legaspi, Nonoy Gallardo, at Girlie Rodis sa direksyon ni Loy Arcenas.

Work-in-progress ang pelikula at nasa Quantum ito para sa kanilang post-production.

I’m sure other producers will follow suit.  Sa ganda ng response ng industriya, we hope to pursue artistic excellence and audience appeal para mas malawak ang benepisyo nito sa stakeholders sa film industry.

May meeting at dialogue with the producers on May 9 at 9:00 AM sa MMDA Office.

Inaanyayahan lahat dito para sa magandang partnership para sa development ng pelikulang Pilipino.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response

  1. Ganoon ang mga laking kanto. Sumikat si Tito sa komedya at katarantaduhan. Noong dekada 60 sikat ang mga combo at may combo sina Tito na ang tawag ay “Tilt Down Men”. Laging nasasangkot sa gulo at rumble ang mga combo sa mga party. Tinanan niya si Helen pero tumino nang nag-asawa. Pero noon sa kaso ni Pepsi Paloma na ginahasa nina Vic, Joey at Horsie ang tumulong sa kaso ay si Tito na senador na noon.