Helterbrand, Imus titibag sa GenSan

Helterbrand, Imus titibag sa GenSan

Puputulin ng Imus Bandera sa pangu­nguna nina former Philippine Basketball Association Most Valua­ble Player Jayjay Helterbrand at James Martinez ang 7-game winning streak ng GenSan Warriors Burlington sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims ngayong alas-6:30 Sabado ng gabi sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum, Zamboa­nga City.

Kakaalpas lang ng Imus mula sa 3-game losing skid, ungos nitong Agosto 20 kontra Nueva Ecija, 75-73, sa likod ng 12 at 11 points nina Martines at Helterbrand.

Pero tutulay sa alambre ang Group B South Division 13th placer Bandera (3-6) upang makagawang muli ng winning-streak, lalo’t nagwawala ang nasa second spot GenSan (9-2).

May pitong dikit na ragasa ang Warriors ni coach Rich Alvarez, pinakabagong ginulantang pa ang Group A North Division sololeader, defending champion San Juan Knights Go For Gold sa Muntinlupa Sports Center nitong Aug. 23, 97-91.

Pantatapat ng Alvarez kina Helterbrand at Martines sina Robby Celiz at Mike Williams na nag-combined 50 markers laban sa Knights.

Salpukan din ang Group B 7th-running Bicol (7-5) at nasa 8th spot Zamboanga Fami­ly’s Brand Sardines (6-6) sa alas-8:30 ng gabi. (Aivan Episcope)