Hepe ng NCRPO at Manila Police ‘di sisibakin

Walang dahilan para sibakin sa puwesto sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde at Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Joel Coronel.

Ito ang diretsahang pahayag ni PNP chief ­Director General ­Ronald dela Rosa kasunod ng mga serye ng ­pagsabog sa Quiapo, Maynila noong Sabado.

Ikinatwiran ni ­Dela Rosa na magkaiba ang kaso nila ­Albayalde at Coronel sa dalawang naunang sinibak na ­opisyal, dahil hindi ­maituturing na terror attacks ang ­naganap sa Quiapo.

Ipinaliwanag ng PNP chief na hindi nagkulang sina Albayalde at ­Coronel sa kanilang tungkulin ­dahil hindi kasama sa ­intelligence ­gathering ang pagtutok sa mga ­personal na alitan o away.

Gayunpaman, pina­alalahanan ni Dela Rosa si Albayalde at Coronel, na magsumikap kasabay ng pag-aabiso sa mamamayan na asahan ang mas mahigpit na seguridad na ipatutupad sa Quiapo area, kasunod ng insidente.

Unang insidente sa Quiapo na naganap noong Abril 28 ay sanhi ng gang war.