Nadakip na kahapon si Jordan Mahusay, isa sa anim na pugante ng San Pedro City lock-in jail sa pinagtataguan nito sa Barangay San Vicente, San Pedro City.
Sa kabila nito, ipinag-utos pa rin kahapon ni PRO CALABARZON Reg. Dir. Mao Aplasca ang pagsibak sa pwesto kay San Pedro City Chief of Police Supt. Harold Depositar at ang duty jailer na si PO2 Jobencio Piodo.
Ito ay matapos mabigo silang mahuli ang anim na preso na tumakas mula sa San Pedro City lock-up cell kamakalawa.
Matatandaang mismong si PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang nagbigay ng 24 na oras na ulimatum kay Depositar para muling madakip ang mga pugante.
Itinalaga naman si Supt. Zeric Soriano bilang kapalit ni Depositar.