Herbert balik-teleserye sa LizQuen

Matapos ang May 2016 local elections, hindi na muling tumakbo sa anumang posisyon sa politika ang actor-politician at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Mas nag-focus ito sa kanyang personal na buhay. Bumawi siya nang husto sa kanyang apat na anak na sina Race at Cray (kay Eloisa Matias) at Athen and Harvey (kay Agnes ‘Tates’ Gana).

Pero matapos ang maraming buwang pananahimik, balik-showbiz si Herbert sa pamamagitan ng bagong primetime TV series na “Make It With You”. Pinagbibidahan ito nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Si Bistek (palayaw ni Herbert) ang gumaganap na ama ng character ni Liza.

Detalye ng Richard-Sarah wedding inaabangan

Sa March 14, 2020 na ang kasal ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Pero wala pang ibang detalye ang sini-share ng dalawa at ng mga taong malalapit sa kanila.

Since the grand wedding will be covered ng ABS-CBN, mapapanood ito ng publiko hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na inaabot ng The Filipino Channel o TFC.

Ang nalalapit na pagpapakasal nina Richard at Sarah ay isa lamang sa mga engaged couple weddings na inaabangan ng publiko. Nariyan din ang wedding ng iba pang engaged couples tulad nina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa kasal nina Richard at Sarah, tiyak na may special participation sa wedding entourage ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.