NI:VINIA VIVAR

“Of course,” ang sagot nina Liza Soberano at Enrique Gil nang tanungin namin kung talaga bang kukunin nilang ninong si Quezon City Mayor Herbert Bautista kapag ikinasal sila.

Dagdag pa ni Quen, “oo naman, para may pakain na naman. Hindi, joke lang” sabay-tawa.

Lagi raw kasing nagpapa-lechon si Bistek sa set ng serye nila kaya wala raw pumapayat sa kanila.

Ginagampanan ni Bistek ang role na tatay ng karakter ni Liza na si Billy at ayon sa aktres, in real life ay parang anak din siya kung ituring nito.

“Like nun’g nagkasakit ako, tinanong niya ako, ‘anon’g ginagamit mo ‘pag may sakit ka?’ Tapos, nagsabi ako. Akala ko, he was asking tips for himself.

“Nagulat ako, kinabukasan sa taping, kumpleto, ang dami niyang dalang gamot para sa ‘kin,” kwento ni Liza.

Bukod dito ay magaan daw kasama si Bistek pati na rin ang iba pang cast kaya lagi raw silang masaya sa set.

Natanong din ang LizQuen kung may pressure ba sila na ma-maintain or pataasin pa ang ratings ng kanilang serye?

“Ako po, hindi ako mahilig tumingin sa ratings,” sabi ni Liza.

“Actually, hindi nga namin alam ang ratings namin, eh,” natatawa namang sambit ni Quen.

“Basta parang busy lang kami sa taping, eh. Parang ‘yung mind namin, nakatutok lang sa tapings, sa schedule, sa sequences na kailangang kunan,” patuloy ni Quen.

Saad naman ni Liza, ang mas importante raw sa kanila ay ang feedback ng fans nila. “Kasi, kaya naman namin ginagawa ‘to, para sa kanila. So, if they’re happy, kahit hindi naman sobra-sobra ‘yung taas ng ratings namin, happy na kami,” aniya.

LIza tinawanan ang pabakat ni Enrique

Pinag-usapan ang pa-wet look ng LizQuen sa eksena ng serye nila sa isang beach sa Croatia. Nag-viral at nag-trending ang nasabing scene kung saan ay napaka-hot and sexy ng dalawa in their swim wear.

Hindi maka-get-over ang mga girls at mga bading sa “pabakat” ni Quen sa nasabing beach scene at komento nga nila, “makalaglag-panty” raw ang yumminess ng aktor.

Ano ang reaksyon dito nina Liza and Quen?

Natawa ang dalawa especially si Liza na panay ang hagikgik.

“Ganu’n talaga. Malamig du’n. Saka, basa, eh. So. . .” natatawang sabi ni Quen na marahil, ang tinutukoy ay ang “bumakat” sa kanyang boxer short.

Si Liza naman ay tila nahihiyang tawa nang tawa.

Ano naman ang masasabi ng aktres?

“Oh my gosh, I hate that scene,” natatawa niyang sabi, “coz I don’t like wearing swimsuits. I really don’t wear swimsuits kahit sa totoong buhay. Kasi I’m very conservative so, I was very uncomfortable.

“But of course, I had to do it for the show. So, I’m happy I kinda overcame that obstacle but I don’t think I would do it again.”

Nabasa naman daw niya sa Twitter ang lahat ng mga comments especially tungkol kay Quen.

“I showed him all the tweets, it’s funny. I guess it’s flattering for Quen. Pero ako, parang nao-awkward ako pag binabasa ko (sabay-tawa). But it’s cute. Lahat ng tao, natutuwa naman sa scene, so I’m really happy,” ani Liza.

Madalas mag-away

Aminado naman ang LizQuen na madalas silang mag-away sa maraming bagay at minsan, kung ano-ano lang ang kanilang pinag-aawayan.

Mas moody raw si Liza at inamin din niyang nangyayari ito madalas, kapag meron (menstruation) siya. Alam naman daw ng aktor ‘yun at pinagpapasensiyahan naman siya.

“Mas madali lang akong mag-let go sa emotions, I don’t want to drag it on,” sabi ni Quen.

“Ako, mas gusto kong pahabain,” natatawa namang sabi ni Liza. “Hindi, hindi naman. I always like kasi explanations to everything. Kahit hindi ako galit. And pag hindi ako nabibigyan ng explanation, napru-frustrate ako.

“So, parang until I hear what I want to hear, hindi ako titigil,” she said.

Si Quen daw ang mas sumusuko at sasabihin sa kanya, ‘wag na kasi tayong mag-away, tapusin na natin ‘to’ at iha-hug daw siya.

Ang maganda sa aktor ay hindi raw mainitin ang ulo nito pero may times na wala rin daw ito sa mood.

“’Yung parang hindi siya galit, pero hindi rin siya happy. Siguro, mas sad,” kuwento ni Liza.

Huli raw niyang nakita si Quen na sad ay noong namatay si Kobe Bryant at anak nitong si Gianna .Aminado naman ang aktor na talagang naapektuhan niya dahil idol niya ang nasabing legendary NBA (National Basketball Assocation) player.

“Tuwing nakikita ko ‘yung Instagram ko or YouTube, si Kobe nakikita ko. Tapos ‘yun, kasama pa anak niya. Just. . .Parang ‘yung buong 2020 ngayon, start pa lang, hindi maganda.

“Sana, maging okay ‘yung the rest of the year,” he said.

Ayaw isipin ang hiwalayan

Natanong si Liza kung in real life ba ay naiisip niya ring mangyayari na magkaroon ng iba ang boyfriend.

“I haven’t imagined it yet. Parang ang hirap i-imagine ‘yun. But I think, I wouldn’t try to imagine it. Kasi, wala, ang negative lang.

Parang ibig sabihin, magbi-break kami. I don’t like to think about it.
“Pero if mangyari man, hindi ko na lang sila titingnan,” natatawang sabi ni Liza.

Ang mga fan nga rin nila ay nagagalit dahil nga may iba pang kareha ngayon ang karakter ni Quen na si Gabo. Pero ayon naman sa LizQuen, abangan daw ang mga susunod na mangyayari dahil siyempre, may mga pagbabago ring magaganap na ikatutuwa ng mga fan.