Nasa “planning stage” pa lang ang paghihimlay ng mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ayon sa anak nitong si dating Senador Bongbong Marcos.
Nilinaw ni Bongbong ang usapin matapos mapaulat na nagbigay na ng pahintulot si Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing si ex-President Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sinasabing hero’s burial na may kasama pang 21 gun salute ang iaalay kay Marcos sa Setyembre 18 pero ayon sa klaripikasyon ni Bongbong pinaplano pa lamang ito.
Kaugnay nito, mariin namang sinalungat ni Senadora Leila De Lima ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
“Alam n’yo po magiging malaking isyu na naman ‘yan kung ipupursige po ‘yan kung itutuloy po ‘yan ng administrasyon ang paglilibing ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
I would see, I would think that it will become another big and divisive issue. Paglalapastangan ho kasi ‘yan sa memory nu’ng mga libu-libo na naging biktima ng mga pag-aabuso, karahasan… nu’ng Martial Law era natin the dark ages of Martial Law,” pagkomento ni De Lima sa panayam kahapon ng hapon.
bury him as an ex-president of the Philippines. okay. bury him as a world war 2 veteran/hero. fine. think of him as having won those “medals”, still okay…but DO NOT include the US Medal of Honor, as among the medals he won, as claimed by some quarters, because even a shallow and cursory internet research will show this to be a lie, and if one is a lie, then the others will necessarily be tainted.
Tigil tigilan mo ako De Lima, ok lang ba na mag ambag para mapabilis ang pag huli sa Drug Lord at mga nagkakanlong dito. Wala ka bang masabing pangalan manlang?
WALA DAW.. KASI LAHAT PROTEKTADO NYA… lol