Hero Angeles, lider ng BANTILAWAN Boys

Hero Angeles

GUSTO n’yo bang makilala ang Bantilawan Boys sa showbizlandia?
Sumikat sila kahit paano. Iyun lang, hindi maintained at sustained.

Paminsan-minsan eh sumusulpot pa rin sila. Pero hindi pwedeng itanggi na ang balana, dabarkads at madlang pipol, tuyo na ang mga damdamin for them.

Si HERO ANGELES ang leader ng Bantilawan Boys.

He had his season in the sun. Sumikat, tinili­an, nagka-box-office hit movies ang kanilang odd pairing ni Sandara Park at tila there was no stopping his ascent.

Kaso, lumabas ang chikang “difficult” at “demanding” ang kapatid na tumatayong manager.
He and his brother engaged war with the network that gambled on him and some reporters.

Lumipat sa Siyete and as expected, with lukewarm success. Nawala. Nagtago. Nag-a­ral yata.
May isang pelikulang ginawa na first day, last day ang fate sa ta­kilya.

Naging panauhin sa Ang Pro­binsiyano, pati na sa MMK. Pero, wala na ang “star circle questor” value.

Ayaw ring mag-risk sa mga roles. Akala niya yata, forever matinee idol pa rin siya.
Dahil diyan, mukhang hindi na siya mamahalin at yayakapin pa.

***

Martin Escudero
Martin Escudero

Si MARTIN ESCUDERO at ang kanyang ka-love team na si KERBY ZAMORA.

Minahal namin sila in a major, major way sa Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington.
Escudero became the critics and people’s choice as the next important actor. Kasi, he won an acting award.

Si Zamora, bagong pantasya of the fag hags and bayots.

Bilang Remington at Jigs, we rooted for them. Kinilig at nagtilian pa tayo sa innocent pucker on the lips nila sa hagdanan. Naunawaan natin kung bakit kumibot ang imaginary pagkababae ni Remington nang lumabas si Jigs sa shower room na basa at tuwalya lang ang tapis.

Then, lumayas si Escudero sa poder of his former manager. Lumipat sa TV 5 at alam natin what happens to artists na lumilipat sa Singko.

Sadly, ang “potential” ni Martin… lost in emotion, lost in space at lost in translation,
At si Kerby?

Kahit pa nagka-cinematic sexual congress siya with Jackie Rice sa isang pelikulang gawa ni direk Joel Lama­ngan, isa na siyangThe WHO.

***

Si RAINIER CASTILLO, ang orig na Star Struck Prince.

Nature gifted him with a “killer smile” and a “charm” na contagious.

Kahit bano sa pagsasayaw, nagka-one time, big time, dance craze na credit belongs to him, ang Step Into The Music.

In fairness sa ka-Siyete, ginawa nilang lahat para kay Castillo. all the juiciest lead and support roles noong panahong iilan pa lang silang GMA talents.

Kaya lang, no amount of killer smile and dance moves can sustain his “relevance” sa showbiz.

Just like Escudero, lumipat siya sa Singko at alam n’yo na rin kung ano ang nangyari.

For a time being, parang makakabalik na siya sa Siyete. Kasi, left and right ang kanyang TV show appearances.

Tapos, hindi na rin natin siya nakita pang muli.

Mike Tan, wala na talagang ibubuga

Mike Tan
Mike Tan

May dalawa pang major StarStruck winners na forgotten na rin, sina MIKE TAN at STEVEN SILVA.

Si Tan, lahat na ibinigay sa kanya during his reign as StarStruck major male victor.

Pinagbida sa afternoon dramas. Naging lead at support sa indie films. Nag-brief at nagpai­nit si Felix Bakat pero wala na talagang ibubuga.

Ang naramdaman lang kay Tan, noong pumutok ang chikang nagka-crush, means pagnanasa sa kanya ang isang direktor. Napa-stop and look sa kanya ang mga taga-Rosas Pandan Community for five seconds.

Si Silva, na mukha pa namang Koreano, at kung kailan sikat na sikat ang K-Pop sa bansa, his being Korean-looking was not capitalized para tumodo ang kanyang kasikatan.

Steven Silva
Steven Silva

Si Steven, masakit man isulat dahil love ko ang binatang ito, is a reminder on how the artist center where he used to belong eh hindi alam kung ano ang gagawin sa kanya at sa kanyang mga ta­lento.

Masipag naman si Silva. He took it upon himself to be skillfull in dancing and singing. Nag-aral on how to speak Filipino properly.

Naging toast sa isang classic gay themed musical theater production.
Pero hindi maikakaila na nabantilawan na siya.

Aljur, nakadikit pa rin sa wooden acting

Aljur Abrenica
Aljur Abrenica

Kahit forgiven at forgotten na ang altercation niya with his mother network, neither here nor there na ang karera ni Aljur Abrenica.

‘Yung historical drama movie na he was part of, as expected ay nag-underperform sa takilya.
Kahit pa binibigay na niya ang “best” niya sa acting department, parang his best will never be good enough.

Parang hindi na mabura pa ang pananalig na siya ang dean of the Machete School of Wooden Acting.

Ang ‘katuliro pa kay Abrenica nowadays, ayaw paawat sa kanyang jume-Jericho Rosales na pag-iingles.

Sa concert niya together with other GMA talents, ipinagmaramot pa ang kanyang asset.
Hindi ibinuyangyang ang kanyang katawang panromansa.

Sabi ng mga bitche­sang maricones, “Yun nga lang ang meron siya, pinagdamot niya pa. Para namang may isang pelikulang drama historical lang na ginawa, biglang naging pakipot.

“Naku, tigilan ako ni Abrenica na ‘yan! Hindi lang nabantilawan ang kanyang career, ‘no?!
“La Ocean Deep na siya!”

OUCH!

Grabe kayo sa kanya,

mga ‘teh.