Nakatakdang maghain si Senador Sonny Angara ng isang resolusyon na naglalayong parangalan si Police Senior Master Sergeant Jason Magno na namatay matapos isakripisyo ang buhay para mailigtas ang mga estudyante ng Initao College mula sa pagsabog ng granada sa Misamis Oriental.
“Master Sergeant Magno responded to the call of duty to protect the lives of civilians,” sabi ni Angara sa isang statement.
“Without thinking of his own safety, he used his body to cover the grenade, saving more lives but tragically losing his own in the process,” dagdag nito.
Sabi ni Angara, nararapat lang na kilalanin ng Senado ang kabayanihang ginawa ni Magno.
“It is men like him who represent the best of the PNP (Philippine National Police) and Filipinos as a whole,” sambit ng senador.
Si Magno, isang bomb specialist, ay isa sa mga rumesponde nang pumasok ang isang lalaking armado ng patalim at granada sa Initao College campus sa Brgy. Jampason, Misamis Oriental.
Nakipagbuno si Magno sa suspek para makuha ang granada subalit nahila ng huli ang pin nito at inihagis sa semento.
Agad namang dinapaan ni Magno ang granada para maiwasan ang pagkasawi ng ilang estudyante na nandoroon. Sa kasamaang-palad ay namatay si Magno sa pangyayari.
Labing-anim katao kabilang ang suspek ang nasugatan sa pagsabog.
“Master Sergeant Magno’s heroic death should serve as a reminder of the service provided by our brave men and women in the PNP. Every day they risk their lives to keep us safe from criminal elements,” sabi ni Angara.
“The Senate expresses its condolences to the family he left behind. We need more heroes like Master Sergeant Magno,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)