Hero AngelesBIDA si Hero Angeles sa Mother’s Day episode ng MMK ngayong gabi sa ABS-CBN.

Ang papel ni Hero ay isang transmom  ang transgender na si Pia na tumayong ina sa isang ­inabandonang bata na si Lester ­(Louise Abuel).

Si Lester (Louise Abuel) ay Filipino-German na batang iniwan kina Pia ng kanilang kapitbahay.

Kinupkop nila ang bata at ituturing na kapamilya.

Sa kasamaang palad, hindi mahilig sa bata si Pia. Pakiwari niya, pabigat lamang ito sa marami na ­niyang suliranin sa buhay.

Paano lalambot ang puso ni Pia kay Lester?

Maging hadlang kaya ang kasarian ni Pia para matawag siyang mabuting ina?

“Gandara si Hero bilang transmom, huh?! Bongga ang sex ­appeal!” bulalas ni Virginia ­Pakokak.

“Mas gandara pa siya sa dati niyang ka-loveteam na si Sandara Park!” Talaga?!

Naku, ‘di ba, ang sabi noon ng girlfriend ni Romnick Sarmenta ay mas maganda pa ang aktor kesa sa kanya pag naka­ayos-babae sa ­pe­likulang ­­Miguel/Michelle (1998) na dinirek ni Gil Portes?

‘Yun na, B.T.!

At any rate, kasama sa MMK episode na ito sina Cherry Pie Picache, Emilio Garcia, ­Bugoy Cariño, ­Roxanne ­Barcelo, Jeff Gaitan, Miho Nishida, ­Lolie Mara, ­Marnie Lapuz, Marithez Sam­son at Kamille Filoteo.

One Response