“Sorry, but he is not a very good actress!” ‘Yan ang comment ng isang advertising officer ng isang malaking production company na nagsabi na kulang at sayang ang magandang role sa Maalaala Mo Kaya kay Hero Angeles.
Sabi ng isang kapatid sa panulat, “ipit na ipit ang boses at wrong choice” daw. He may have looked the part pero ramdam mong hindi siya kumportable sa ginagawa niya.
Ang tanong, saan pa ba magiging kumportable si Hero?
***
Back-to-back na ang panalo ng Washington DC sa Miss USA pageant. Ngayong taon si Kara McCullough ang magrerepresent sa US sa susunod na Miss Universe pageant. Tulad ng hinalinhan niya, smart at magaling magsalita ang bagong Miss USA, pero umabot kaya ito sa Q&A? After all, this is still a beauty contest. Abangan!
***
Nagsimula na ang shooting ng unang pelikula ng rapper na si Abra na “Respeto” na entry sa Cinemalaya this year under Arkeo Films sa direksyon ni Treb Monteras. Kakaiba ang istorya nila at very now ang treatment na may rap battle at pagfifliptop! Astig ito at bago na namang treatment sa pelikula.
***
Down to the last few days of taping ang “I Heart Davao” mini-series nina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Benj Alves na natatapos nang i-can ang limited run ng serye na pauusuhin ng GMA7. Dito na kaya itatapat ang “Promise Of Forever” ni Ritz Azul at Paulo Avelino na isinara na rin ang kuwento at may limited run? Teka, magka-level ba ang dalawang palabas na ito? At sa gastos, sino kaya ang mas may disposable income sa dalawang produksyon?