Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3:00 p.m. — Malaysia vs. Myanmar
5:00 p.m. — Vietnam vs. Singapore
7:00 p.m. — Philippines vs. Indonesia
Walang kasawa-sawa ang Gilas Pilipinas sa pambabalasa sa mga karibal sa SEABA Men’s Championship sa Smart Araneta Coliseum, nag-all-Filipino na ay madalian pa ring nilista ang Vietnam bilang panlimang biktima, 107-53, kagabi.
Sinelyuhan ng Philippines ang winner-take-all match mamaya kontra Indonesia. Taya rito ang nag-iisang tiket sa FIBA Asia Cup sa Aug. 10-20.
Pinagsigawan ng 1994 at 2005 titlist Indonesians ang kahandaan sa gold-medal game sa mga host squad nang magmartsa rin sa fifth consecutive win via 123-50 pag-dismantle sa second-time participant Myanmar.
Pinahinga na lang ni national coach Chot Reyes si naturalized player Andray Blatche na may mild hamstring strain para sa importang laban sa Indonesians.
Sa 5-4 count lang nakadikit ang Vietnam, mula roon ay kumaripas na ang Gilas.
Naglapat si Matthew Wright ng 19 points para buhatin ang atake ng Nationals, nakapagbaon din ng double figures sina Raymond Alamazan (16), Calvin Abueva (16), Troy Rosario (12) at Jio Jalalon (10).
“We came into this ballgame with the purpose of making sure we keep our discipline and maintain good habits,” sabi ni Reyes. “Overall, still a pretty good effort from our guys.”
Si Thanh Nhan Nguyen lang mag-isa ang kumarga sa opensiba ng Vietnamese sa 11.